10 Of The Sweetest Pinoy Celeb Boyfriends and Husbands


2. Chito Miranda

While some husbands and boyfriends opt for short but sweet messages, Chito captions the sweetest stories and messages to his wife Neri. From small trinkets and mannerisms of Neri that he adores to grand gestures, he never fails to capture the moment. They got married on December 2014, but have been together since 2012.

They now have their bundle of joy, Miggy who was born in November 2016. Now, Chito shares his life as a dad and husband.

Miss na miss ko na asawa at anak ko.? Feeling ko talaga ang laki na ng nilaki ni Miggy. Miss na miss ko na rin kulitin at patawanin si Neri kahit di naman sya natatawa. Namimiss ko na rin yung mga patawa nya na sya lang din naman ang natatawa, at yung mga kengkoy dance moves nya na parang may sayad. Gusto ko na talaga umuwi. Di ako makatulog dito ng maayos. Wala ako gana manood ng The Walking Dead. Wala din kwenta manood ng HGTV. Ayoko din mag-ikot ikot masyado kasi di ko naman kasama asawa ko. Pero yung Forged in Fire marathon na-enjoy ko naman kahit wala sya dito. Hehe. Tsaka at least nakapag-firing ako kasama ni Gab, tsaka nakapag-shopping ako sa Cabela's, Ganders, at Bass Pro Shop na hindi nag-aalala na baka napapagod na asawa ko kahihintay sa akin habang tumitingin-tingin ako. Masaya din naman kahit paano kasi namiss din namin katambay si Buwi at sobrang saya din naman ng mga tugtog, lalo na't kumpleto kami tapos sobrang saya at solid makisama ng mga nanood ng mga gigs namin. Salamat nga pala! Pero pagdating ng gabi, at oras na para matulog, maaalala ko asawa at anak ko, tapos ma-iisip ko na medyo matagal pa bago kami maka-uwi, tapos nakakalungkot pa mas lalo isipin na pag-uwi namin sa Pinas, di pa ako makaka-uwi sa Tagaytay kasi didiretso kami agad sa Pampanga kasi may dalawang gig pa kami dun bago ako tuluyang makaka-uwi sa pamilya ko. Hay jusko…ang lungkot. Pero ang iniisip ko nalang na masaya din kasi masarap isipin na may namimiss ako na babae na mahal na mahal ko, tapos mahal na mahal nya din ako, tapos namimiss nya din ako, tapos kasal na sya sa akin, at akin lang sya, tapos may baby kami na mahal na mahal namin. And that is more than enough to remind me how beautiful my life is. #NahohomesickKaLangAngDamiMoNangSinabi

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Saludo talaga ako sa mga nanay. Tuwing nakikita ko yung pagod at hirap ni Neri sa pag-alaga ng anak namin, honestly naaawa talaga ako sa kanya. Nakita ko kasi kung gaano ka-physically demanding and emotionally draining yung buong process mula sa pagbubuntis at panganganak, hanggang sa pag-alaga ng baby. Nahihiya talaga ako na hindi ko kayang mapantayan yung hirap na pinagdadaanan nya. Yung tipong kung pwede sanang ako nalang ang mahirapan basta makapag-pahinga lang sya, gagawin ko talaga. And nakakabilb kasi kahit gaano sya kapagod at antok, at kahit masakit na yung katawan at masama na yung pakiramdam nya, kahit di pa sya fully recovered, she takes everything in stride and does everything with so much love and energy, mapapa-isip ka talaga kung saan nanggagaling yung lakas nya. Buti talaga nandito ngayon sa Tagaytay yung mom ko, yung biyenan ko, tsaka yung bestfriend ni Neri, kasi malaking bagay talaga na may tumutulong kay Neri mag-alaga kay Miggy kasi kahit paano nakakapag-pahinga sya. Pero I'm sure all moms would agree pag sabihin ko na iba pa rin talaga yung demand sa mommy mismo kahit gaano pa kadami yung mga tumutulong sa kanya. Tulad ng pagpapa-breastfeed at kung nagdemand na mag-latch si Miggy, si Neri lang talaga ang pwede gumawa nun kahit gaano pa sya kapagod, kahit gaano pa kasakit yung nipples nya. Jusko…nakaka-awa talaga. Kaya bilang asawa, ginagawa ko nalang lahat ng pwede kong gawin to make everything as easy and as pleasant as possible for Neri. Masahe hanggang makatulog. Luto ng oatmeal. Timpla ng Milo. Hayaan na sya pumili ng channel. Ginagawa ko rin lahat ng magagawa ko, tulad ng paghugas ng baby bottles, palit ng diaper, or pagtiklop at paghanda ng mga damit ni Miggy, para kahit paano makatulong ako sa mom at sa biyenan ko, at sa bestfriend ni Neri, na mabawasan yung mga ginagawa nila. Pero sa totoo, kulang na kulang pa rin yun compared sa ginagawa at pinagdadaanan ng asawa ko…but the thing is, Neri never made me feel kahit konti, na kulang yung ginagawa ko. Sa katunayan, sya pa yung nahihiya sa akin kasi di nya daw ako masyado naaasikaso. Basta for her, masaya lang sya basta na may baby na kami. Saludo.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

What's Your Reaction?

hate hate
0
hate
confused confused
0
confused
fail fail
0
fail
fun fun
0
fun
geeky geeky
0
geeky
love love
0
love
lol lol
0
lol
omg omg
0
omg
win win
0
win

More From: Celebrity